Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BGC taguig

Snatching, tambay at kung ano-ano pa nakasisira sa imahe ng isang high end mall

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA ba ninyo iyong video na ipinost ng Korean football player ng dalawang matabang babae na umano ay nagnakaw ng kanyang wallet? Kinukunan niya ng video ang dalawa habang hinahabol niya dahil kinuha nga ang kanyang wallet. Pero mas mabilis na tumakbo ang dalawang matabang babae at nang may magdaang shuttle bus, mabilis na tumakbo ang dalawa, sumabit sa bus para maiwasan ang dinukutan nila.

Nakasisira iyan ng image ng BGC. May isa pa roon sa may lugar ng Uptown doon sa harapan ng isang bar doon kung gabi ang daming nakaistambay na mga kabataan. Nag-iinuman at pakalat-kalat sa bangketa lamang. Hindi mo malaman kung sila ay customer ng bar na iyon o mga istambay lamang.

Nagbibigay din sila ng maasamang image sa lugar dahil sinasabi ngang marami sa mga iyon ay mga pick up girl o mga “car fun boys’ din. Ibig sabihin, mga babaeng sumasama kung may magkaka-interes sa kanila at mga lalaking napi-pick up din ng mga bakla at matrona.

Kaya nga  kami bihira na rin diyan sa BGC hindi gaya noong araw na bago mag-pandemic na riyan kami madalas na bumibili at naghahanap ng aming mga kailangan.

Ngayon bukod sa matinding traffic medyo sumasama na nga ang image nila hindi mo na masasabing makakapamasyal ka nang panatag ang loob mo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …