Saturday , December 21 2024
GMA7 ABS-CBN

GMA kulang pa rin sa creativity, nganga sa ABS-CBN

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASASABI bang iyon ay bunga ng isang mayamang kaisipan o kawalan ng creativity?

Bagama’t sinasabi sa simula pa lamang ng kanilang teleserye na ang kuwento nila ay isang fiction lamang at walang kaugnayan sa sino mang tao, nabubuhay man o hindi. Halatang-halata na ang character na ginagampanan ni Pinky Amador sa isang afternoon drama ay gayang-gaya ang mga klasikong sagot ni Alice Guo sa mga hearing ng senado.

Hindi mo masasabing creativity iyon eh, dahil ginagaya lang nila ang isang tunay na tao para gumawa ng isang nakatatawang palabas. Alam nila maaaliw ang mga taong makakapanood niyon pero matatawag nga bang creativity iyon?

Mukhang tama nga ang ibang executives ng GMA 7 na talagang wala silang laban sa creativity ng mga nasa sarado nang ABS-CBN. Kaya nakahihiya man kinuha na lang ng GMA ang ibang shows ng ABS-CBN, sa halip na mag-produce sila ng sarili nilang content na mukhang duda pa sila sa kalalabasan. Iyon nga namang mga syndicated shows ng ABS-CBN wala na silang pagod. Ilalabas na lang nila kikita sila at kung hindi iyon mag-click aalisin lang nila on the air, wala silang lugi, kaysa mga sarili nilang ginagawang content na kung pumalpak lugi na sila sa air time lugi pa sila sa puhunan sa content.

Talaga bang wala nang makukuhang isang mahusay na creative team ang GMA? O hindi ba dahil sa pagtitipid nila ay hinahayaan na lang nila ang kanilang creative team na walang ginagawa? Sayang ang mga tauhan nila gaya ni Joey Abacan kung ganyang mga klaseng show lang ang gagawin nila at tapos kukuha na lang sila ng content sa ABS-CBN. Lumalabas na nga silang nakahihiya dahil ang kanilang estasyon na sinasabi nilang pinakamalakas pa naman ang power ay umaasa lamang sa isang noontime show na ipinalalabas din sa ibang tv stations maliban sa kanila. Kasi nga parang inamin na nilang wala silang kakayahang makipaglaban sa mga ganoong shows kahit na sa totoo lamang ay marami silang mahuhusay na direktor at mga artista, para gumawa ng isang magandang show.

Pero ang nangyayari palusutan na lang din eh at para walang masisi kumukuha na lang sila ng mga show sa ABS-CBN na lumalabas din sa ibang channels bukod sa kanila.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …