Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Dry skin ng 65-anyos CKD patient pinasigla ng Krystall Herbal Oil, pag-ihi pinagaan ng Krystall Nature Herbs  

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Orlino de Guzman, 65 years old, taga-Marikina City at mayroong chronic kidney disease (CKD) na komplikasyon ng diabetes.

               Kaya ko po nalaman na ako’y may CKD dahil napansin ko ang biglang paggaspang ng balat sa aking paa. Kahit anong paglalagay ng lotion ang gawin e talaga naman pong hindi natatanggal ang galasgas.

               Kaya ang advice po sa akin ay uminom ng tubig sa tamang sukat at kumain ng gulay lalo ang malunggay. Ugali ko rin pong uminom ng tsaang sambong at malunggay.

               Pero isang araw, nang ako po’y magawi sa Farmer’s nakita ko ang inyong produktong Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs. Bumili po ako. Pagdating ko sa bahay, agad akong naglinis ng katawan at bago matulog ay matiyaga kong inihaplos ang Krystall Herbal Oil sa aking binti hanggang sa aking talampakan. Hinaplos nang hinaplos ko po talaga siguro halos 20 hanggang 30 minuto. Na-relax po ako nang husto at namalayan ko na lang na inaantok na ako, kaya natulog na rin.

               Dati po, nagigising pa ako sa gabi dahil nararamdaman ko ang pangangati ng talampakan ko dahil nga sa dry skin, pero nang gabing iyon dere-deretso ang tulog hanggang magising ako dakong 5:00 ng madaling araw. Noong mga sumunod na araw, ganoon ulit ang ginawa ko.

Tapos uminom din ako Krystall Nature Herbs after ko mag-lunch. Ay nakaramdam po ako ng ginhawa sa puson pagkainom ko ng nature herbs at parang gumaan ang pag-ihi ko.

               After two weeks po ng paggamit ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs, aba, gumanda ang kutis ko sa paa, at sabi ng mga kasama ko sa bahay hindi na araw ako maputla, siguro nga ay dahil lumakas ang kakayahang maglinis ng dugo ng aking kidney simula nang uminom ako ng nature herbs.

               Ako po’y labis na nagpapasalamat dahil sa napakahusay ninyong imbensiyon Sis Fely. Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng lakas at talino upang higit na makatulong sa kalusugan ng mga tumatangkilik ng inyong mga produkto.

               More power, Sis Fely.

Sumasainyo,

ORLINO DE GUZMAN

Marikina City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …