Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Men

Gay model actor umamin mga nakarelasyong male star


ni Ed de Leon

TSISMIS muna tayo? Umamin sa isang interview ang gay model at actor na si Zuher Bautista na noong araw ay may mga nakarelasyon siyang ibang male stars, pero sinabi niya na ang mga iyon ay bading din.

Ang pinag-iinitan sa tila blind item na iyon ay isang male star na marami namang nababalitang “sex adventures” kasama ang iba-ibang tao, kabilang pa ang isang sinasabing inutangan daw niya ng P10-M.

Pero ang tinutukoy nilang not really young male star ay naninindigang hindi totoo iyon at hindi siya pumatol sa mga bading. Nag-deny siya sa relasyon nila ni Zuher at maging ang sinasabing dinaanan niyang photographer noong siya ay hindi pa sikat, at medyo kumakalam pa ang tiyan.

Hindi rin naman kasi niya inaamin ang sinasabi ng mga kaklase niya sa high school na noon ay nagsusuot ng damit ng babae.

Kung ayaw ba niyang mag-out eh bakit ninyo siya pipilitin. Iyon nga lang mahirap na pigilin ang mga tsismis lalo na’t hanggang ngayon ay suma-sideline pa rin naman siya, big time na nga lang. Hindi na gaya noong panahong siya ang “reyna ng Malate.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …