Sunday , December 22 2024
AOS ASAP

AOS tanggap na ‘di talaga kayang igupo ang ASAP

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAHALATA na rin pala sila na dapat na nilang palitan ang format ng kanilang Sunday noontime show, ang All Out Sundays. Kasi kahit na anong gawin nila ay hindi iyon makasabay sa kalabang ASAP. Kasi nga naging poor duplicate sila noong una pa eh. 

Noong gawin ng ABS-CBN ang show ng Apo na naging ASAP nga nang malaunan, nakuha ng ABS-CBN ang noon ay pinaka-malalaking singing stars, pati iyong mga nauna nang sumikat sa GMA 7. Kinopya nila ang fomat at ginawa nila ang SOP. Natural hindi maka-abante ang copy lamang. 

Hanggang sa nagpalitan nang nagpalitan ng format, talagang tinatalo ng ASAP ang AOS dahil lahat ng malalaking singing stars ay nasa ASAP, samantalang ang AOS noon ay may nakuha mang sikat na singers hindi mo naman kayang ibangga roon sa mga nasa ABS-CBN. 

May panahong ang top Sunday noontime show ay nasa GMA, iyong GMA Supershow ni Kuya Germs.Tumagal iyon ng 26 taon at nanatiling number one. Maraming pagkakataong ang show na iyon ay sinusulot ng ibang networks. Noong una gusto iyong tangayin ng original na producer ng show na si Gil Balaguer, pero napigilan ng GMA si Kuya Germs na lumipat. Noong nagsimulang muli ang ABS-CBN, inalok din si Kuya Germs na lumipat iyon sa kanila, hindi rin iyon umalis kaya gumawa sila ng sarili nilang show, panlaban sa show ni Kuya Germs. Lumalaban ang show ni Kuya Germs pero may mga bright boy ang GMA na nagsabing kailangang sabayan ang show ng kabila. Inalis nila si Kuya Germs at pinalitan ang format ng show, noon sila nagsimulang bumagsak.

Nang alisin nila ang Sunday show ni Kuya Germs, may isa pang network na nag-alok sa tinaguriang The Master Showman na ilipat sa kanila ang Supershow, at dalhin din pati ang That’s Entertainment na noon ay number one early evening show pero pinatay din ng mga noon ay bright boy ng GMA. Pinalitan din nila iyon ng show na sila na ang humawak sa halos pareho rin ng format pero kung ang That’s Entertainment ay namayani ng sampung taon mga dalawang buwan lang yata ang itinagal ng kapalit niyon.

Tapos napaangat naman ni Kuya Germs ang kanyang show kahit na kung ipasok ng GMA ay madaling araw na. Nakilala ang Master Showman at naging bukambibig pa ng tao ang laging isinisigaw ni Kuya Germs na “Walang tulugan.” May mga idea kasi si Kuya Germs na kinakagat talaga ng mga tao. Siguro kung nabubuhay pa ngayon si Kuya Germs at gumawa iyan ng isang programa on line marami pa siyang tatalunin sa audience. May captive audience na kasi si Kuya Germs na hindi naman nila makukuha ano man ang gawin nila. Eh iyong mga bright boys noon ng GMA 7 na kumalaban kay Kuya Germs ngayon ay mga ganap nang naglaho at tila bituing wala nang ningning na nasa kung saan-saan na lang sulok. Hindi rin naman sila naka-angat.

Iyong iba nga pumasok pa noon sa TV5 at kung ano-anong gimmick ang ginawa, pero hindi rin nagtagumpay tumiklop din, tapos ang sinisisi pa mahina raw kasi ang signal ng TV5. Eh bakit ngayon ang Eat Bulaga, mahina pa rin naman ang signal ng TV5 pero lumalaban.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …