Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stell Ajero Charice Pempengco David Foster

Charice Pempengco tuluyan nang binura ni Stell

HATAWAN
ni Ed de Leon

“MAG-CHARICE Pempengco ka ulit gulatin mo ang mga tao,” ang reaksiyon ni Racquel Pempengco nang biglang naging viral at talk of the town si Stell Ajero ng SB 19 nang kantahin niyon ang All by Myself ni Celine Dion sa concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo. 

Ang galing naman kasi ng pagkakakanta ni Stell kaya sinundan iyon ng isang malakas na palakpakan at hiyawan ng audience na nagbigay ng standing ovation ng mayroon yatang sampung minuto.

Noong araw kinakanta rin iyan ni Charice Pempengco at pinapalakpakan din siya dahil maganda naman ang boses niya. Pero mas malakas ang naging dating ni Stell  kasi nga siguro dahil sikat din ang grupo nilang SB 19, at hindi akalain ng mga tao na makakakanta ng ganoon na solo pa.

Kahit na nga si David napatayo sa inuupuan niyang piano para kamayan si Stell na hindi niya inaasahang ganoon lalabas ang kanta. Biglaan lang naman daw kasi iyon, unrehearsed number pa.

Siyempre apektado si Racquel lalo na sa sinasabi ng marami na mas magaling pala si Stell kaysa kay Charice. Kaya sinabihan niya ang anak, gulatin mo ang mga tao, ‘mag-Charice Pempengco ka ulit. ‘

Bakit hindi niya sasabihin iyon eh nasira na nang nasira ang career ni Charice simula nang lumabas siya at pilit na nagpapakilalang Jake Xyrus.  Eh sinasabi ngang, “babae ka Charice nagpapanggap ka lang na lalaki. Kung sakali at maihi ka sa kalye, puwede ka bang tumayo sa tabi ng isang puno at umihi nang patayo.” 

Pero ewan kung magagawa pa ngang kumanta ni Charice ng mga ganoong kanta matapos niyang lumaklak nang lumaklak ng kung ano-anong hormones para siya’y magmukhang lalaki at ang boses niya ay maging parang lalaki?

Hindi ba sinabi na rin ni Charice na gusto na niyang kumanta bilang si Charice ulit pero bakit hindi niya magawa? Iba na nga rin kasi ang kanyang boses dahil sa mga nilaklak niyang hormones at ewan kung maibabalik pa ang kanyang boses at kung ano ang dapat gawin. Iinom ba naman siya ng female hormones para maibalik ang kanyang boses? Isa pa puwede pa ba siyang magdamit babae eh wala na siyang boobs at maskulado na ang katawan?

Pabigla-bigla kasi ang desisyon pinangatawanan ang pagiging tomboy. Hindi na nasiyahan kung ano ang ibinigay ng Diyos. Ngayon magsisisi ba siya? Huwag na, dahil sa ngayon kung ganyang kantahan lang tatalunin pa siya ni Stell. Hindi na kailangan si Charice na bumalik. Manatili na lang siyang Jake Xyrus at tanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran, kagustuhan naman niya iyon eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …