Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eva Darren FAMAS Marissa Delgado Divina Valencia

FAMAS dapat ibalik nagastos sa dinner ni Eva Darren

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO ang dapat gawin ng FAMAS sa kanilang naging palpak na naging dahilan ng kahihiyan ng aktres na si Eva Darren?

Hindi mo masasabing basta artista lang si Eva dahil sumikat siya noong kanyang panahon. Natatandaan namin noong grade two yata kami, iyong kanyang serye sa telebisyon ang aming napapanood pagdating ng gabi. Love story iyon na ang role niya mala-Sharon Cuneta. Iyong Larawan ng Pag-ibigkapartner si Willie Sotelo at idinirehe ni Jose Miranda Cruz

Nang isalin iyon sa pelikula malaunan ay kasama rin si Eva, bagama’t ang naging bida na ay si VIlma Santos.

Nanalo rin siya sa FAMAS bilang best supporting actress noong 1969 sa pelikulang Ang Pulubi na ang star ay si Charito Solis sa ilalim ng Nepumuceno Productions. Kaya hindi basta-bastang aktres iyang si Eva.

Ito ang masakit, kinumbida siya ng FAMAS para maging presentor sa kanilang awards, binigyan siya ng script na pag-aaralan at sinabi pa sa kanyang ang magiging co-presentor niya ay si Tirso Cruz III.

Siyempre bumili ng damit at sapatos na gagamitin si Eva para sa awards. Sigurado nagpa-make up pa iyan. Nagpunta siya sa awards na kasama ang kanyang tatlong apo, at dahil doon gumastos pa siya ng P20K para sa dinner nilang apat. Ganoon na pala ang kalakaran sa awards ngayon, kukumbidahin ka bahala ka sa gastos ng damit at pagpapa-ayos mo, at babayaran mo pa ang kakainin mo. Noong araw, sinasagot nila ang gown na gagamitin ng artista at pagdating doon aasikasuhin nila at hindi naman pagbabayarin pa ng kakainin. Pero nagyon siguro nga wala silang budget, ok lang iyon kahit na hindi magandang tingnan. Pero iyong pagkatapos mai-isnab ka pa, hindi ka tatawagin at papalitan ka pa ng isang mas hindi kilala, aba malaking insulto na iyon. 

Tapos ni hindi pa siya kinausap, wala man lang humingi ng dispensa pagkatapos ng show. Kung hindi pa umangal ang anak ni Eva sa social media wala kang maririnig na sorry mula sa FAMAS at ang katuwiran naguluhan na raw sila at hindi nakita si Eva noong kailangan na siya kaya pinalitan na lang nila.

Hindi ba dapat ang mga presenter ay iniipon nila sa isang lugar para madali silang hanapin? Mukhang malabong katuwiran nga yata iyong hindi siya mahanap noong kailangan na. Parang kasalanan pa ni Eva dahil kung saan siya umupo.

Malabo iyan. Palagay namin hindi sapat iyong nag-sorry lamang ang FAMAS, dapat isauli ang nagastos ni Eva, iyon ay kung mahihiya sila. Iyong istorbo, maaari nang ihingi ng sorry iyon, pero iyong pinagastos pa, aba eh kahit iyon man lang panagutan ninyo.

Riyan sa mga bagay na iyan napupuri namin ang SPEED kasi maayos sila sa pagsalubong sa kanilang mga bisita. May mga miyembro silang nag-aasikaso kung saan dapat umupo ang bawat isa. 

Nakahanda rin ang pagkain nila para sa mga gustong kumain. Nasa sistema talaga iyan eh at kailangan pinaghahandaan talaga dahil alalahanin ninyo ang mga bisita ay hindi mga basta-bastang tao, mga artista iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …