HATAWAN
ni Ed de Leon
USAP-USAPAN ngayon ang tila “galit daw” na tono ni Alden Richards habang tinatawag ang mga nakapasok sa finals ng Miss Univere Philippines.
Sa tingin namin, hindi naman galit si Alden dahil nakangiti pa nga siya, siguro dahil din iyon sa excitement kaya naisisigaw niya ang mga bayang kinakatawan ng mga finalist.
Mahirap din ang mag-host ng isang live pageant. Nagho-host ka kasi riyan ng hindi mo alam kung ano ang mangyayaring kasunod. Hindi kagaya iyan ng mga live television program na may sequence guide. Iyan nagbabago talaga ang takbo ng walang abiso, at kadalasan ang mga host ay natatangay din ng excitement kung sino ang mananalo sa contest.
Isipin nga ninyo kung iyong sanay na sanay na at halos laging host ng Miss Universe na si Steve Harvey nagkakamali pa eh, si Alden pa kaya?
Kaya minsan dapat naman huwag comment nang comment agad, isipin muna ninyo normal ba ang ganoong escitement? Kung normal lang huwag na kayong kumibo mali naman iyong mema lang.