Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Gay photog naunahan kay male starlet ni discreet gay


ni Ed de Leon

HINAYANG na hinayang ang isang gay photographer dahil matagal daw na panahon na panay ang pictorial niya sa isang male starlet na ngayon ay nagti-tiktok na. Pogi naman kasi talaga ang Tiktoker at malaki talaga ang nagasta ng photographer na gay dahil maya’t maya ang pictorial niya at binabayaran pa iyon bilang model dahil ang studio niya ay malayo rin. 

Gusto naman niya laging sa studio niya ang pictorial dahil malay mo nga ba naman baka maka-score siya. Pero hindi siya naka-score sa Tiktok model. Kaya nga nagitla siya nang makita niya ang napakaraming pictures at video niyon na hubo”t hubad at nalaman niyang nahala pala iyon ng isang discreet gay at nakunan ng pictures at video.

Kasi siya ang drama niya puro pictorials lang, kaya hanggang brief lang ang nakita niya at akala niya hanggang doon lang talaga. Isa pa maliit lang siguro ang give niya, eh nakatagpo ng bading na nagbayad ng malaki na hindi lamang pumatol sa sex talagang nagpakuha pa ng pictures at video ng hubo’t hubad.

Actually mas mahalay pa raw iyon kaysa mga ginagawa niyang BL series ngayon na ang mga sex scene naman ay puro daya lang. Maliit lang din naman kasi ang bayad sa BL na indie eh, pero kung babayaran iyan ng malaki, kahit na ano ipagawa riyan papayag iyan sabi ng isa naming source.

Eh sa totoo lang marami na ring pinanggalingang bakla iyan. At sa tingin ko naman ay may bahid din siya ng pagiging gay,” sabi ng isa naming source.

Iyan na nga ba ang sinasabi namin eh. Pa-goodboy effect pa, may baho rin naman pala. Gusto pang masabing class siya pero iyon pala para lang isdang kung itinda sa palengke ay tumpukan ni hindi kilo ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …