Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Kathryn Bernardo Kuya Kev Ate Shenen

Alden part na ng family ni Kathryn, present sa despedida

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA tingnan ninyo present din si Alden Richards sa despedida para sa kapatid ni Kathryn Bernardo. Kasama pa siya sa picture ni Kuya Kev at Ate Shenen ni Kathryn, at walang ibang artistang present sa despedida. Part of the family na ba talaga ang turing nila kay Alden? At si Alden naman na napaka-pribado ng buhay ngayon ay nakikita na sa mga ganyang okasyon.

Kung sa bagay noon pa naman, sinabi na ni Alden na kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kathryn ay gusto niyang maging pribado, pero kung ganyan ngang lumalabas maski na social media ang pagdalo niya sa mga family affair nina Kathryn, maitatago pa ba iyon sa publiko? 

Ayaw naman naming maging KJ o kontrabida sa KathNiel pero sa nakikita natin ngayon mukhang lumalayo na nga ang pag-asa sa isang reconciliation sa napakalakas ng pasok ni Alden. Mas titibay pa iyan dahil pagtutulungan ng Star Cinema at GMA Films ang kanilang pelikula. Natural lalong lulutang ang kanilang love team at kung sino man ang kokontra riyan ay wiped out.

Kanino tatakbo si Daniel Padilla, eh ang inila-love team naman yata kay Andrea Brillantes ngayon ay iyong si Kyle Echarri. Sino ba naman iyong Kyle kung papasok si Daniel. Kaya lang magmumukhang tanga si Andrea dahil na-realize niyang pang one night stand lang pala siya ni Daniel, papayag pa ba siyang makasama iyon?

Para sa fans naman wala na silang angal dahil ang sinasabi nila, ang gusto lang nila ay maging masaya si Kathryn matapos nga ang sama ng loob niyon sa pangangaliwa ni Daniel. Alam naman nilang si Daniel ang may kasalanan eh, kaya natural kampi sila kay Kathryn at kung sino man ang manliligaw roon wala na silang angal basta masaya siya.

Ewan kung ano nga ba ang nangyayari kay Daniel. Umugong din na siya ay part owner ng isang theme park sa Batangas at sinasabi pang iyon daw ang magiging local na Disneyland. 

Kaso disappointed ang mga tao dahil kakaunti lang daw ang rides at napakamahal pa ng tickets na P1500. Tapos nitong badang huli ay sinasabing hindi naman daw kasali si Daniel sa theme park na iyon. Hindi siya kasosyo, hindi siya endorser at hindi bahagi ng theme park.

Saan ba nanggaling ang kuwentong kasosyo siya sa theme park na hindi naman pala?

Kailangan kay Daniel magabayan nang husto ng Star Magic dahil pumirma siya ulit ng kontrata roon. Nagkakataon namang sunod-sunod na dagok ang dumarating sa kanyang personalidad. Parang kailangan niya ng realignment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …