Sunday , December 22 2024
Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWAN
ni Ed de Leon

MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na nagsabing siya ay kumakatawan sa samahan ng mga bakla at tomboy sa Pilipinas na nagharap ng kaso sa Korte Suprema na nagsasabing dapat daw kilalaning legal dito sa Pilipinas ang pagpapakasal ng mga bakla at tomboy. 

Pero wala halos basehan iyon dahil ni wala pang panukalang batas ang nagtatakda niyon. Ang iniisip siguro nila kung kakatigan nga iyon ng Korte Suprema mabilis makalulusot ang isang panukalang batas. 

Pero nanindigan ang Korte Suprema na ang kasal batay sa ating mga umiiral na batas ay sa isang lalaki at isang babae. Hindi naman sila pinipigilan kung gusto nilang mag-abroad at magpakasal sa mga estadong kinikilala ang same sex marriage, pero rito sa Pilipinas ay hindi kinikilala iyon.

Naalala lang namin iyan dahil sa pagpapakasal ng dating lead vocalist ng bandang True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang boyfriend na si Mark Angeles. Pero ang kanilang beach wedding ay ginanap sa California na kinikilala ang same sex marriage. Sa kanila man, ang same sex marriage ay isinasagawa lamang ng mga opisyal ng pamahalaan, o ng mga pastor ng mga simbahang “Born Again” na tumatanggap na sa same sex marriage. Hindi pa rin iyon kinikilala ng simbahang Katoliko at ng iba pang mga relihiyong main stream. Hindi kinikilala iyon sa Islam.

Pero kung gusto nga ba nilang masabi na mag-asawa sila kahit na hindi naman legal, ok lang iyon. Dito sa atin ay marami na ring LGBT na nagpakasal. Nagpakasal na sa abroad noon pa ang mga director na sina Jun Lana at Perci Intalan, ewan pero nagkahiwalay din naman sila kalaunan. Nagpakasal na rin si Ice Seguerra at Liza Dino. Pinakasalan na rin ni Vice Ganda ang boyfriend na si Ion Perez sa abroad. Dito sa atin may mga personalities na ring nagpakasal sa kanilang mga same sex partners sa isang pari ng kung anong relihiyon o kulto ba iyon diyan sa project 8 sa Quezon City. Nauna riyan may isang pari rin daw ng ibang relihiyon na nagkakasal sa mga bakla at tomboy diyan sa may Singalong sa Maynila. Pero ang lahat ng iyon ay seremonya lamang dahil hindi naman kinikilala ng gobyerno na legal ang mga kasal na iyon. Ibig sabihin, hindi iiral sa kanila ang mga karapatang legal na itinatakda ng batas sa mga mag-asawa lamang.

Pero kung gusto ba nila iyon eh ano ang pakialam natin?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …