Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang sabihin ni Queenie Padilla na hiniwalayan na niya ang asawang Pakistani matapos ang 11 taong pagsasama. Umingay na naman ang mga troll.

May nagsasabing dalawang anak na babae na raw ni Robin Padilla ang iniwan ng asawa at ang bintang nila karma raw iyon dahil sa ginawa rin ni Robin. Marami rin kasing babaeng iniwan si Robin pati na ang una niyang asawang si Liezl Sicangco na kahit na nakakulong noon ay nakaramay niya. Pero iniwan pa rin niya.

Pero napaka-unfair naman ng sinasabi nilang karma iyon. Bakit mo iisiping sina Queenie at Kylie ang kailangang magpasan ng karma sa mga nagawa ni Robin, unfair naman yata iyon.

Iyong nangyari kina Queenie at Kylie, dahil iyon sa sarili nilang buhay at walang kinalaman ang tatay nila roon. May mga tao lang na masyadong mapanghusga sa kanilang kapwa kaya maraming sinasabing hindi naman tama.

Lalo na nga ngayon na tila hindi popular ang paninindigan ni Robin tungkol kay Pastor Apollo Quiboloyat sa usapin sa China. Pero hindi na natin dapat pagtakhan iyan dahil alam naman nating si Robin ay tumatanaw ng malaking utang na loob sa dating Pangulong Duterte na ganoon din ang posisyon kay Quiboloy at sa China. Kung may paninindigan man si Robin na hindi nila gusto, parang mali namang sabihin na ang karma niyon ay tumama kina Queenie at Kylie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …