ni Ed de Leon
NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin alam na may isang male model na nagpakasal din sa abroad sa isang Pinoy showbiz personality. Matagal naman silang magkasundo at walang problema hanggang sa ang gay showbiz personality na rin ang humimok sa male model na magkaroon ng girlfriend at magkaroon ng anak.
“Paano kung tumanda na kami? Sa akin ok lang pero sino ang titingin sa kanya kung wala siyang anak? Kaya ako mismo ang kumumbinsi sa kanyang mag-asawa na siya,” sabi ng showbiz gay.
Nag-asawa nga ang male model, isang Pinay din naman at nagpakasal sila sa abroad pero sa ibang estado dahil kasal nga ang male model sa gay sa US. Ok naman ang kanilang pagsasamahan. Magkasama ang male model at ang kanyang asawa, pero hindi rin naman iniwan ng male model ang showbiz gay na halos dalawang dekada na niyang kasama.
Dalawa ang asawa ng male model, siyempre ang role niyong babae, “ako legal wife,” at ang role naman ng bading, “Ako original na asawa.” Ang gulo hindi ba? Pero kung happy ba sila eh ano ang pakialam natin.