Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Orange and Lemons

Pagpapasingit kay Francine maling-mali 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABILIS ang damage control na ginawa ng ABS-CBN sa naging kontrobersiya ni Francine Diaz laban sa Orange and Lemons. Nakipag-meeting sila agad at humingi raw ng dispensa ang isa’t isa at agad pang ipinalabas sa isang zoom conference sa isa sa kanilang social media page na siyempre ang moderator ay taga-ABS-CBN din, si Benjie Felipe.

Sa usapan, tinanggap ng event organizer na sila nga ang nagkamali nang tawagin nila si Francine sa stage habang naghahanda na ang Orange and Lemons.

Inamin nilang nagkaroon ng delay ang show at sinabi nga raw ng manager ni Francine na kailangang unahin na iyon dahil gabi na tutal isang kanta lang naman iyon. Kung masusunod ang flow ng programa, maaaring hindi bitiwan ng mga tao ang Orange and Lemons at aabutin na ng madaling araw si Francine.

Ang problema lang kung kailan nasa stage na iyong banda at saka walang pasintabing pinapasok si Francine. Mali talaga ang event organizer doon pero kung hindi nagpilit ang kampo ni Francine na paunahin siya, hindi mangyayari iyon. Maliwanag naman ang usapan, siya ang huling kakanta. Kung nagkaroon man ng delay ang show maliwanag na siya pa rin ang huling kakanta. Dapat naghintay na lang siya dahil wala namang may gusto ng nangyaring delay. Palagay namin hindi sapat na sabihing nagka-ayos na naman ang magkabilang panig, maaaring nagka-ayos sila pero hindi masasabing tama pa rin ang sumingit kahit na ano pa ang dahilan. Hindi pa rin tamang isipin na dahil ikaw ay may back up na malaking kompanya na may control sa maraming artista ay maigigiit mo na ang lahat ng kaluwagan para sa sarili mo.

Maaaring inako na lang ng event organizer ang pagkakamali dahil sa takot na baka sa susunod hindi na siya makakuha ng ibang artists ng ABS-CBN. Baka naging malambot na rin ang Orange and Lemons dahil mahirap kalaban ang ABS-CBN. Pero kahit anong tingin ang gawin namin, mali pa rin iyong singit. Kung hindi iyan masabi ng iba dahil ilag din sila sa ABS-CBN, kami masasabi namin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …