Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN AllTV

Kapamilya muling nagpapalaki ng imahe, nakahanap ng kakampi sa AllTV

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN ba ninyo iyong bagong station ID ng Kapamilya channel? Bale dalawang shows lang ang kasama roon iyong Showtime at ASAP. Kasi nasa dalawang show lamang na mga iyon ang lahat ng kanilang mga artista. Maliban naman sa serye ni Coco Martin ano pa bang serye nila ang napag-uusapan?

Ngayon nagpapalaki na naman sila ng image dahil nakakuha na naman sila ng matatakbuhan, iyong All TV, na maski na hindi kanila, dahil wala namang shows doon makokopo nilang lahat.

Kaso saan ba nila ipalalabas ang Showtime, sa GMA o sa All TV? Hindi papayag ang GMA na makahati pa sa kita nila ang All TV. Kung hindi naman anong noontime show ang gagawin ng ABS-CBN para makalaban ng Showime at hindi naman sila magmukhang tanga sa bago nilang nakopong estasyon?

Kaya pa ba nilang mamuhunan sa isang bagong show eh ayon sa report nila  nalulugi na nga sila sa operations nila bilang content producer?

Isa pa kailangang kausapin pa nila ang pinagkakautangan nilang tatlong banko para palawigin pa ang loans nila dahil kung hindi mangyayari iyon tuluyan nang masasara ang ABS-CBN. Sa laki ng utang nila, ano pa nga ba ang matitira sa assets nila?       

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …