Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Batang Quiapo

Batang Quiapo lalo pang pinalakas ng GMA

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA bang mas may appeal na ngayon ang mga artistang lalaki kaysa sinasabing mas may batak ang mga artistang babae? Kasi ang majority ng audience noon ay mga babae na naghahanap na maka-identify man lang sila sa mga artistang napapanood nila. 

Ngayon nga raw dahil bading na ang mga audience, halos lahat ng mga director ay bading na rin kaya lumalabas na mas nagiging bida ang mga artistang lalaki. Nakita nga ninyo, maski iyong Encantadia na dati ang bida at mga sangre ay puro babae, ngayon may lalaki na ring sangre. Kung makalulusot iyan hindi malayong sa susunod ang lahat ng kanilang mga sangre ay mga lalaki na sa kanilang serye.

Pero ewan lang namin ha, pero parang kami naiilang sa paglalagay nila ng isang sangreng lalaki. Siguro dapat pinanatili na lang nilang puro babae ang sangre at tapos naglagay na lang sila ng mga leading man niyon. Hindi iyang ganyang binago pa ang nakasanayan nang takbo ng kuwento at naglagay pa ng lalaking sangre.

Ewan, sana mali kami pero sa tingin namin lalo lang nilang pinalalakas ang Batang Quiapo sa ginawa nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …