Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atasha Muhlach EAT Dabarkads

Ka-loveteam ni Atasha hanap ng E.A.T; mala-Aga o Alden dapat ang hitsura

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAN na kumikilos na ang E.A.T.. Naghahanap na sila ng isang lalaking “cute” at sinasabing maaaring mag-audition ang mga iyon sa TV5 kung hapon. 

“Cute” ang hinahanap nila, siguro isang mala-Alden Richards, na siya nilang itatambal marahil sa magandang anak ni Aga Muhlach na si Atasha na ngayon ay kasama na nga ng mga lehitimong Dabarkads. Kasi mukhang iyon ang sigaw ng fans, ihanap ng ka-love team si Atasha, at kaya niya kung ano man ang naabot ng AlDub noon.

Pero hindi puwedeng basta kung sino lang, ang peg siyempre ay gaya ni Alden, o mas matindi ang dapat na maging peg gaya ng tatay niyang si Aga. Aba kung may makukuha nga silang ganoon, baka malampasan ang “Tamang panahon” noon ng AlDub. SIyempre ibang generation na ang AlDub Nation, may bagong generation naman ngayon ng fans na kasing tindi rin nila, pero kailangan ang makuha nila sa audition ay iyong ok talaga.

Kung ang makukuha nila ay menos kay Alden at ibig sabihin lalong walang panama kay Aga, wala ring mangyayari. Kung sana sa panahong ito lang lumitaw si Keempee de Leon baka sakali pa.Siyempre ang kailangan ay bagets din kaya nga ang hinahanap nila ay 18 pataas, pero hindi naman puwede iyong 28 na, sobra na iyon. 

May makuha pa kaya silang ganoon sa panahon ngayon? Hindi mo masasabi, marami pa ring mga pogi sa tabi-tabi lang, kaso may talent ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …