ni Ed de Leon
SA isang party na ginanap kamakailan, sinasabing ang isang female starlet na naging kontrobersiyal din nitong mga nakaraang araw ay may suot daw na mga alahas na ang halaga ay mahigit na P50K.
Aba kung ganoon mukha na siyang walking jewelry store noon. Pero naniniwala naman kaming puwedeng totoo, nakakapag-regalo nga siya sa dati niyang boyfriend ng higit pa roon eh, masasabi mo bang wala siyang alahas na ganoon?
Pero for security reasons, hindi dapat ganoon eh. Dahil sa nabalitang iyan, masasabi mo bang hindi siya mamanmanan ng mga masasamang loob at tatangkaing pagnakawan?
Kadalasan iyang mga artista inaabot ng gabi sa tapings at umuuwi madaling araw na. Kung salisihan siya sa pag-uwi niya dahil sa paniwalang baka may dala siyang ganoon kalaking halaga ng alahas at iba pang gamit?
Minsan dapat iniisip din nila ang kaligtasan nila eh, hindi lang basta sige ng sige.