Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw sa nanggagalaiti iyon sa galit na may umaaligid na eroplano ng US Navy sa West Philippine Sea at mukha ngang kamping-kampi pa iyon sa China. Iginigiit niyang dati ok naman ang China, kahit na sinabi na sa kanya ng mga opisyal na ang mga barko niyon ay humaharang sa mga barko ng PIlipinas dahil pilit na inaangkin ang pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.

At kaya lamang hindi alam ng mga tao ang nangyayari dahil ang paglabas ng mga balitang nakasisira sa China ay hindi inilalabas noong nakaraang administrasyon. Hindi naman maikakaila na si Presidente Digong ay pabor sa China at natural na ganoon din naman si Sen. Robin dahil hindi ba kaya’t naging senador nga iyan ay dahil inutusan siyang tumakbo at sinuportahan ni Presidente Digong. Kaya palagay namin hindi na kailangang pagtakhan kung si Robin ay parang apologist din ng China.

Binatikos din si Sen. Robin na nagmumukha raw comedy bar ang Senado dahil sa kanya at iyon ay may kaugnayan naman ng palitan nila ng opinion ni Sen. Pia Cayetano. Pero ano man ang sabihin ninyo, hindi magre-resign iyang si Robin. Bakit siya magre-resign eh ikakatuwiran niyang inihalal siya ng bayan, at hindi naman maikakaila na noong nakaraang eleksiyon, siya pa ang naging topnotcher senator. 

Aalis ba iyan diyan kahit na ano pa ang sabihin ninyo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …