HATAWAN
ni Ed de Leon
MABILIS ang reaksiyon ni Trina Candaza nang magharap ng kaso sa korte si Carlo Aquino na humihingi ng karapatan sa kanilang anak na si Mithi. Palagay namin natural lang ang reaksiyon ni Trina dahil hindi lang naman siya ang biglang iniwan ni Carlo kundi pati ang anak nilang si Mithi.
Ngayon idedemanda pa siya para utusan sa pamamagitan ng korte na ipahiram sa kanya ang kanilang anak? In fairness kay Carlo, hindi naman niya hiningi ang custody ni Mithi, dahil alam niyang imposible iyon sa ilalim ng batas, at natural sasabihin ni Trina ang katotohanan na sila ang iniwan ni Carlo dahil nagkaroon iyon ng bagong syota.
Ewan kung saan din hahantong ang kasong iyan. Pero kung iisipin ni Trina, dapat pabayaan niyang madalaw man lang ni Carlo ang anak nila. After all, kailangan din naman ng isang bata ang pagtingin ng kanyang ama. Maaaring may kakayahan naman si Trina na buhaying mag-isa si MIthi, pero hindi niya maibibigay ang pagmamahal ng isang ama na kailangan din naman niyon.
Ang hindi pagkakasundo ng mag-asawa ay hindi dapat dalhing problema ng mga bata.