ni Ed de Leon
NANIWALA si Male Star na maaari siyang sumikat sa K-Pop na uso naman ngayon, kaya pinag-aralan niya ang mga sayaw ng mga Koreano at may panahon pang nagpa-blond ng buhok. Pogi naman sana siya pero mali lang ang diskarte sa kanyang career, masyado kasi siyang nagmamadali.
Nakapasok na nga siya sa isang mabuting kompanya. Hindi pa niya nahintay na bigyan siya ng break, sumama siya sa mga gay indies. Ngayon nalilinya na lang siya sa role ng mga bading. At para siya kumita ng malaki sumasabit din siya sa mayayamang bading.
Akala niya ok na ang buhay niya dahil may maganda na siyang kotse at marami na ring pera dahil sa mga bading na sinasamahan niya, pero hanggang saan siya tatagal? Nagkaka-edad na rin siya at nababakas na iyon sa kanyang hitsura. Hindi magtatagal pagsasawaan na rin siya ng mga bading.
Bakit ba siya gagastusan kung may makukuhang mas pogi at mas bata kaysa kanya? At ano ang naabot niya sa kanyang career?
Tutulungan pa kaya siya ng mga naunang tumulong sa kanya matapos niyang talikuran? Iyan ang masakit na katotohanan. Hindi malayong ang kasunod na mapuntahan niya ay mga gay bar na lang.