Sunday , December 22 2024
Kathryn Bernardo Vape

Pagve-vape ‘di kasiraan ng pagkatao ni Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA naman si Kathryn Bernardo, hindi naman masasabing masama siyang tao dahil nakunan siya ng video na nagve-vape. Hindi naman iyon ilegal gaya ng droga, iyon nga lang sinasabing masama ring example dahil iyang vape ay mayroon ding nicotina na hindi nakaa-addict pero habit forming, at sinasabing nakasasama rin sa kalusugan. 

Pero totoo ang sinabi ni Kathryn hindi naman kasiraan sa kanyang pagkatao ang pagve-vape at bale wala sa kanya ano man ang sabihin ng iba.

Tama naman si Kathryn, buhay niya iyon eh, kung minsan nakadadama rin sila ng pagkabagot lalo na sa mga matatagal na gaps sa kanilang taping, kaya marami sa kanila ang natututong manigarilyo at ngayon nga iyang vape bilang pampalipas oras. Mas grabe pa nga noong araw, nag-iinuman pa sa shooting dahil sa pagkabagot. 

Hindi naman nagve-vape si Kathryn sa harap ng camera, ginagawa niya iyon in private. Ibig sabihin, iniiwasan nga rin niya ang masaabing masama siyang example sa mga kabataan. Kaso may mga invader of privacy na kahit na hindi dapat ilabas, inilalabas nila ng walang pahintulot at ginagawang content ng kanilang mga social media account para kung dumami ang kanilang l followers ay pasukin din sila ng ads, at ma-monetize ang kanilang account.

Kaya nga kung titingnan ninyo ang mga may social media account, lahat na lang sila ay nagsasabing “Content Creator,” ganoong iyong iba roon ay nangongopya lamang  ng ginagawa nilang content. Sila-sila rin nagnanakawan ng content, iyong kuwento at video ng isa, gagamitin din ng iba na magbibigay lang ng kaunting komentaryo para matugunan lamang ang pangangailangan nilang makagawa ng content araw-araw para dumami ang kanilang followers. Palagay namin iyan ang magsisimula ng down fall ng social media, lalo na ngayon na talagang talamak na ang kanilang fake news.

Kung iisipin maaari ngang magdemanda si Kathryn dahil ang ginawa sa kanya ay invasion of privacy, paglabag iyon sa kanyang karapatang pantao. Kaya lang puro naman fake ang pangalan ng mga nasa internet eh, paano mo idedemanda?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …