Saturday , November 23 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

MMFF 2023 nangangamoy kamote  

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI kami naniniwala na makababawi na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong ito. Kung ang pagbabatayan ay ang following ng mga pelikulang Filipino, naghihingalo sila sa mga sinehan at mga pelikulang Ingles lang ang kumikita. 

Iisa ng dahilan, ang mga lumalabas na pelikulang ingles ay puro big movies, hindi ka manghihinayang na magbayad ng mahal sa sinehan. Ang lumalabas na pelikulang Tagalog ay puro indie, halata mong tinipid, hindi sikat ang mga artista, hindi kilala ang

mga direktor, wala pang promo kundi sa Facebook. Eh lahat ba naman nagbabasa ng Facebook? Sa ngayon wala na nga halos tumitingin sa Facebook dahil puro fake news lang naman ang nakukuha mo, at ngayon puro mga fake na gamot sa diabetes ang nakakalat, ibinebenta na peke naman pala. 

Wala ring naniniwala sa mga comment, dahil basta naglagay ka ng hindi favorable sa ibinebenta nila, aalisin lang nila ang comment  mo. Napakataas pa nila kung mag-presyo eh nabibili lang naman iyan sa mga Chinese drug stores sa Ongpin. Pipilitin ka ring bumili ng napakaraming lata ng gatas, na para kang tinatakot na kung hindi mo bibilhin iyon baka wala ka nang mabili sa kasunod. Bakit nga hindi eh phased out na pala ang gatas na iyon. Lahat sila ay sinisiraan ang ibang mga doktor at mga pharmaceutical companies samantalang ang mga iyon ang dumadaan sa pag-aaral, licensing at nagbabayad ng buwis. Sila walang ipinakikitang papeles at ni wala yatang mayors’ permit  ang kanilang tindahan.

Pero ang dami niyan sa social media dahil nagbabayad ng barya lang naman sa kanila,at sa kanila lang lulusot ang advertising na hindi approved ng Adboard.

Paano kang mniniwala sa mga ad na hindi ka sigurado? Paano ka makatitiyak na gagaling ka ng dalawang linggo matapos mong inumin ang gatas o ng gamot nila? Wala silang dokumento na makapagpapatunay niyon. Iyong gatas, supplement iyan sa diet ng mga may diabetes, hindi iyan ang gamot. Eh bakit ako bibili niyan kahit na sabihin ninyong mura, eh may nabibiling may papeles, garantisado, gawa ng kilalang kompanya, at ipinagbibili sa mahuhusay na botika. May kamahalan nga lang pero mas sigurado ka.

Ganyan din ang pelikula, kung nababasa mo lang sa Facebook, panonoorin mo ba? Babayad ka ba ng P370 sa sinehan? Eh ‘di nga sila makapagbayad ng legal na advertisment, puro palusot lang sa Facebook ang ginagawa nila.

Isa pa, ang napansin namin walang malalaking kompanya ng pelikula sa mga unang pumasok sa MMFF. Wala rin ang mag box office stars na lagi nang top grossers sa festival. Wala rin ang mga kilalang direktor at puro yata mga indie producer ang nakapasok. Kung indie lahat ang treatmnt sa mga iyan, hindi rin kikita iyan.

Hindi ba ninyo napapansin, ipagyabang man nilang mga indie nila ay nananalo ng awards sa abroad, kumikita ba ang mga iyon sa Pilipinas? Ayaw ng Pinoy sa indie, ayaw niila ng pelikulang tinipid, walang malaking artista, at ginawa nang mabilisan lang. Kung ikaw nga naman ay pareho rin ang ibabayad sa presyo ng pagkain sa restaurant at doon sa paresan sa kariton sa likod ng FisherMall, saan ka kakain kung

pareho rin ang presyo, ‘di doon ka na sa mahusay.

Kung may pelikulang Ingles na maganda, at may Pinoy na indie, eh pareho rin naman ang bayad sa sine, saan ka papasok? Iyan ang totoo kaya hindi kumikita iyang mga indie.

Kung iyang mga indie ay ilalabas sa malilit na sinehan at kagaya noong araw at double program, tapos 50 sentimos lang ang admission, baka may manood pa riyan.Pero kung ang mga hotoy-hotoy na indie isasabay mo sa malalaking pelikula, sorry ka, wala kang pagpipilian kundi manlumo sa pagtatapos ng playdate dahil lugi ka.

Iyang MMFF nang unang pasukin ng  mga maka-indie, hindi ba noon bumagsak iyan nang todo? Hindi na nga nakabawi, inabot pa ng pandemic. Noong pandemic pinilit nilang ituloy, puro indie pa rin na mapapanood mo lang sa internet. Eh sino ba ang nanood kundi sila-sila rin. Iyong karaniwang tao tanungin mo kung ano napanood

nila, ang isasagot sa iyo puro teleserye. Kamote at kalabasa ang inani ng festival. Masasabi ba nila na ok ang kamote kasi may fiber iyan at malilinis ang bituka mo, ok din ang kalabasa lilinaw ang mata mo. Eh kaso hindi naman bahay kubo ang usapan kundi pelikula. Basta pelikula at kamote ka, wala ka na.

Ngayon naaamoy na naman namin ang kamote que, halayang kamote, nilagang kamote. Basta lahat ng kamote sa mga unang pelikulang napili nila. Ni wala man lang gabi eh.

Depende na iyan kung ano ang apat pang makukuha nila oras na magsumite na ang iba ng finished film. Kung wala pa ring malaki, sorry na sila, kamote na talaga ang MMFF 2023. Tapos palpak pa ang publisidad, kamote rin. Ayos na iyon magsama-sama na silang puro kamote at kalabasa.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …