Friday , November 15 2024

Donasyong bivalent vaccines, may pag-asa pa ba?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

MARAMI ang nag-aabang sa bivalent vaccines na inaasahang madadagdag sa depensa ng Department of Health (DOH) laban sa COVID-19 sa bansa.

Nang ginawa ang mga ito bilang boosters kontra sa orihinal na strain ng virus na nagdudulot ng COVID-19 at ng mas bagong Omicron subvariants na hindi tinatablan ng bakuna, marami sa atin ang nag-asam sa mas matindi, mas garantisadong proteksiyon na ito.

Ayon sa US Center for Disease Control (CDC), ang bisa ng updated bivalent vaccine para maiwasan ang pagkakaospital dahil sa COVID-19 ay itinuturing na ngayong gold standard. Bukod dito, iniulat ng US National Institutes of Health na ang aktuwal na resulta ng paggamit nito at ang epektibong proteksiyong hatid nito ay 37 porsiyentong mas mataas kaysa dating bakuna.

At bagamat hindi pa nakapaglalaan ng pondo ang ating gobyerno upang ma-order na natin ang “wonder dose” na ito, sa gitna ng magkakasabay na expiration ng daan-daang milyong halaga ng unang batch ng COVID-19 vaccines, may pangakong tatanggap tayo ng donasyong 1 million doses ng bivalent vaccine sa unang quarter ng 2023, sa kabutihang loob ng COVAX facility.

Halos apologetic si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, officer-in-charge ng DOH, tuwing nauusisa siya tungkol dito. Paano nga namang hindi siya masisilip kung ang gagawin lang naman ng kanyang kagawaran ay ang tanggapin ang donasyon at iturok ang mga ito, ‘di ba?

         Pero hindi ito ganun kasimple. Una, binawi ng valedictorian natin sa Malacañang ang state of calamity, kaya ang Republic Act No. 11525, o ang COVID-19 Vaccination Law, ay nawalan na ng silbi. Ngayon, pinoproblema natin na wala nang pagbabatayan ang gobyerno sa paglagda sa kasunduang nakapaloob sa pagtanggap natin ng donasyon mula sa COVAX.

         Dapat na may legal na basehan sa pagtanggap ng isang bansa ng donasyong bivalent booster shots para agarang magamit ito sa ilalim ng pandemic emergency, kung saan, ang mga gumawa ng “experimental vials” na ito ay hindi maaaring kasuhan. Hindi na umiiral ang mga kondisyong ito para sa Pilipinas.

Ang mas malala pang kapalpakan ay kung paano nagre-react dito ang Junior administration. Imagine, ‘di magkamayaw ang Office of the President (partikular ang Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs), ang Department of Justice (DOJ), at ang Office of the Solicitor General (OSG) simula noong unang bahagi ng Pebrero kung paano magkakaroon ng basehang legal ang Pilipinas para tanggapin ang donation agreement, at hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung ano ang gagawin.

Ngayong araw, nasa ika-11 araw na tayo ng Quarter 2 ng 2023. Gaya ng nasabi ko, wala na ang inaasam nating pagdating ng bivalent vaccines sa unang quarter ng taon. Sa pag-asang baka mapasaatin pa rin ang donasyong ito ngayong second quarter, kailangang umasam muli si Vergeire at ang mga magiging benepisyaryo nito — ang ating mga medical frontliners at ating mga lolo at lola.

                                  *              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …