Monday , December 23 2024
Charo Laude Nadine Lustre Deleter

Charo Laude saludo sa husay umarte at bait ni Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang beauty queen/actress na si Charo Laude na naging top-grosser sa 2022 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Deleter na kasali siya. Wala ring pagsidlan ang katuwaan niya para kay Nadine Lustre na hinirang bilang Best Actress. 

Nagpapasalamat nga ito sa mga taong nanood at sumuporta ng kanilang pelikula kaya ito nag-number one ito sa takilya.

Kuwento pa nito, nag-enjoy siyang katrabaho si Nadine dahil bukod sa mahusay itong aktres ay mabait at napaka-humble pa. Wish nga nitong makatrabaho uli ang awardwinning actress sa mga susunod na proyekto nito.

Sa ngayon ay abala si Charo bilang national director ng Mrs. Universe Philippines pageant. Isa rin siyang beauty queen na naging kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2019.

Ngayon ay full support ang ibinibigay nito sa kanyang mga reyna niyang sasabak sa 2022 Mrs. Universe pageant sa Sofia, Bulgaria, sa Pebrero 4 (Peb. 5 sa Maynila). Naunang itinakda ang pandaigdigang patimpalak nitong Disyembre sa Seoul, South Korea, ngunit may hindi inaasahang pangyayaring nagtulak sa organisasyon na itanghal ang contest sa home country nito.

Pinangungunahan ang pangkat ni Mrs. Universe Philippines Veronica Yu, kasama ang mga kapwa niya titleholder na sina Gines Angeles, Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, Jeanie Jarina, Virginia Evangelista, Michelle Solinap.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …