ni Ed de Leon
NAKU, magkakaroon siguro ng problema si male star. Masyado na kasi siyang visible kasama ang kanyang syota na hindi naman
artista, at mukhang hindi nagugustuhan iyon ng kanyang mga manager at maging ng network. Hindi na kasi siya magawan ng gimmick sa kanyang leading ladies, dahil kahit na sabihing sumusunod naman siya sa
biling huwag aamin na may syota na siya, nakikita naman sila kung saan-saan ang tunay niyang syota. Paano nga naman iyon?
Kung ganyan daw nang ganyan, baka nga pagpahingahin muna siya ng network at hindi muna igawa ng projects, maliban na lang siguro kung magkaroon siya ng “patrong alam na ninyo”. Kung magkakaroon naman siya ng “patron” baka iwanan naman siya ng syota niya na disenteng babae pa naman.