I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPALIPAS muna sa Tagaytay ng Bagong Taon ang showbiz couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Unang nagpunta roon ang pamilya ni Mikee at last January 1 eh sumunod si Paul.
Nagkita kami ni Mikee sa charity event ng grupo namin sa church. Nagbigay siya ng isang kanta para sa 300 traysikel drivers na binigyan ng media noche pack through the sponsorship of Shih Fa Philippines, Jowels Auto Supply, at King Martin Motors.
Eh ngayong Bagong Taon, sisimulan ni Mikee ang Kapuso series na The Write One kasama si Paul at ang lovers ding sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Ayon kay Mikee, mas palaban ang role niya sa series at natutuwa siya dahil kaibigan nila ni Paul sina Ruru at Bianca.
Eh bukod sa showbiz, ilang units na lang siya at matatapos na ang kurso niyang Architecture sa UST. Kailangan niya lang ipasama ang mock exam for architecture bago tuluyang makagradweyt.
Looking inspired si Mikee nang makita namin bago matapos ang 2022.