Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

60th TV Specials ni Ate Vi mala-Hollywood ang script at concept

HATAWAN
ni Ed de Leon

ALL set na ang taping ng television specials ni Ate Vi (Vilma Santos) para sa pagdiriwang ng kanyang ika-60 taon sa showbusiness. Ang hinihintay na lang ay iyong schedule nga niya para kunan na ang interview sa kanya sa studio.

Marami na ang nagawa sa mga ibang video na kailangan para sa special. Naipon na nila ang mga mahahalagang footage mula sa kanyang mga pelikula. Nakunan na rin ng footage ang lahat ng mga artistang nakasama niya na nagbigay ng tribute sa kanya, pati na ang mga director na nakasama niya sa pelikula. Sayang nga lang at ang ilang mahahalagang director na nakasama niya sa kanyang mga pelikula ay yumao na. Wala na ang dalawang National Artists na sina Yshmael Bernal at Lino Brocka. Wala na rin ang henyong si Celso Ad Castillo.

Yumao na rin sina Marilou Abaya, Maning Borlaza, at Danny Zialcita.

Pero ewan kung totoo na nakakuha rin sila sa archives ng mga video ng mga director na iyan na nagsasalita tungkol kay Ate Vi.

Nakatutuwa naman at marami ang nag-share kahit na ng kanilang personal video collection.

Nakita na namin ang script at concept ng specials. Mala-Hollywood ang dating. Mukhang mananalo pa ng mga award ang

special na iyan.

Talagang pagbubutihin naman namin iyang special na iyan. Bihira sa isang artista ang umaabot nang ganyan katagal at aktibo pa sa kanyang career,” sabi ng producer na si Chit Guerrero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …