Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matet de Leon Nora Aunor

Nora, Matet pagmilagruhan kaya ngayong Pasko?

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA na kayang mangyaring milagro ng Pasko para kina Nora Aunor at Matet de Leon? Diretso nang sinabi ni Matet na hindi na niya kakausapin pa ang kanyang nanay-nanayan. Si Nora naman, simula’t simula ay “deadma” at hindi pinapansin kung ano man ang mga reklamo at sinasabi ni Matet.

Dalawang bagay ang kahulugan niyan, maaaring nagpapalipas lamang nang panahon si Nora para kumalma nang kaunti si Matet at saka niya kakausapin para magkaintindihan silang mabuti. Maaari rin namang ayaw na niyang pansinin talaga si Matet ano man ang sabihin niyon, basta itutuloy niya ang kanyang negosyo para may pagkakitaan.

Sa totoo lang kasi, kailan pa ba ang huling pelikula ni Nora? Magkano ba ang bayad sa kanya sa mga pelikulang indie? Hindi kami naniniwala na iyong talagang presyo ni Nora kayang ibigay sa kanya sa mga pelikulang indie. Kailan pa iyon? Kailan pa rin ang huling tv show niya? Ubos na rin ang kinita niya roon.

Totoo na nakatatanggap naman siya ng “artists’ pension” bilang isang national artist pero maliit lang iyon at masasabi nga sigurong barya lang sa status ni Nora. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nang alukin siyang gamitin ang pangalan niya  sa de boteng tuyo at tinapa ay pumayag siya, kahit alam niyang may ganoong negosyo rin si Matet.

Wala namang exclusive patent si Matet sa negosyo, in fact maraming de boteng tuyo at tinapa na nauna na sa kanya. Nasaktan lang siguro iyong bata dahil ginaya pa siya ng nanay niya. Kung ang ginawa sigurong negosyo ni Nora ay ensaymada, o espasol, susuportahan pa siya ni Matet. Kaso nga diretsong tinamaan ang negosyo ni Matet.

Pero may ilang araw pa naman bago mag-Pasko. Sana may mangyari pang milagro na magkasundo ang mag-nanay, kahit na ba ampon lang si Matet eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …