ni Ed de Leon
FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa isang indie film para sa internet, iyon pala P3,500 lang ang bayad sa kanya per day at tapos na ang lahat ng kanyang parte sa loob lang ng dalawang araw. Ibig sabihin, kumita lang siya ng P7K para sa kanyang paghuhubad at pakikipaghalikan sa kapwa
niya lalaki, sa loob ng dalawang araw.
Eh ano ang magagawa ninyo eh indie nga iyan. Basta sinabing indie, maliit lang ang puhunan at ginagawa nang mabilisan, hindi rin naman kumikita talaga iyan. Hindi gaya ng palabas sa sine na kumikita sa admission. Iyan, sa streaming na mura lang naman.
Ambisyon palang kumita sa pag-aartista, bakit ka pumasok sa indie?