HATAWAN
ni Ed de Leon
AT least may pelikula ngayong nakasama sa festival si McCoy de Leon na siya ang bida. Noong nakaraang taon ganyan ang inaasahan doon sa isa niyang pelikula na bida siya pero hindi nakapasok iyon sa festival. Ngayon pasok na ang kanilang horror film na Deleter. At least natupad na ang isang ambisyon ni McCoy, ang magkaroon ng
pelikulang panlaban sa festival.
Pero ang paniwala namin, kung iyang si McCoy ay mabibigyan lang nang tamang push, kahit na hindi festival kikita ang pelikula niya at puwede siyang bida. Aba eh marami naman siyang fans na hindi rin naman nabawasan kahit na may anak na siya. Siguro nga advantage rin niya iyong hindi siya nalinya sa mga matinee idol. At least
pinanonood siya dahil sa acting niya at hindi lang dahil pogi siya.