MATABIL
ni John Fontanilla
NA-STARSTRUCK ang 2021 Little Miss Universe na si Marianne Beatriz Bermundo nang makasabay bilang awardee ang kanyang ultimate idol, ang Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner na si Maureen Wroblewitz sa Best Magazine 4th Philippine Faces of Success.
Kuwento ni Marianne, “She’s ( Maureen) my ultimate idol when it comes to modelling, she’s our very first Asia’s Next Top Model winner.
“I want to be like her, sobrang galing mag-ramp and at the same time commercial model and beauty queen.
“When I saw her na-pa-‘omg’ na lang ako sa sobrang kilig, and she’s very nice kasi when I asked her kung puwede magpa-picture she said ‘yes’ kaagad, kaya mas hinangaan ko siya.”
Si Maureen ang isa sa kanyang inspiration para maging mahusay na model at maging isang beauty queen.
Bukod sa opportunity na makita at makasama niya ang kanyang idolo, thankful din ito sa founder ng Philippine Faces of Success na si Richard Hinola sa recognition na ibinigay sa kanya at sa kanyang very supportive na mga magulang at kapatid.