MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan ang kanyang itsura na “cheap.”
Sa TikTok video na inilabas ni Rabiya sinabi nito na simula pa lang nang sumali siya sa Binibining Pilipinas ay nakatatanggap na siya ng panlalait mula sa netizens.
“You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita ia-address. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you.
“Ako, I’m proud of myself. I’m proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa-tao.”
Dagdag pa nito, “Baka isipin nyo po na sine-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganoon. But I hope, sa edad niyo pong ‘yan, marami na kayong natutunan sa buhay.
“And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media. Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I’m sure of that.
“And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao, ‘di ba? Pero sige, bigay ko na lang po ‘yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you,” pagtatapos ni Rabiya.