ni Ed de Leon
MATAPOS na mapadalhan ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa kanilang meeting place, mabilis na nakagawa ng alibi ang isang male starlet at sinabing nagkaroon daw siya ng lagnat.
Wala namang nagawa ang sana ay ka-date niyang designer.
Ok lang naman daw sa designer kung nagkasakit, kaya lang may nagkuwento sa kanya na madalas palang gawin iyon ng male starlet.
Kahit na naka-booking na siya, kung may dadating na mas malaking booking, gagawa siya ng alibi sa nauna.
Sa pagkainis ng designer, sinabing iniipon lang daw niya ang ebidensiya at ilalabas niya lahat ng sikreto ng male starlet simula umpisa. Lagot!