HATAWAN
ni Ed de Leon
NGAYON, basta napasyal kami sa Grand Canal Mall, may mapupuntahan na kaming isang magandang Japanese restaurant. Binuksan na ng Viva ang kanilang ika-50 branch ng Botejyu sa Grand Canal Mall. Sa mga ganoong lugar naman sila bagay talaga. Fine Japanese dining kasi iyan, hindi naman gaya ng iba na ang hitsura ay parang hotoy-hotoy na karinderia.
Ang daming stars na dumating noong nagbukas sila noong isang araw. Siguro nga hindi na namin kilala ang mga baguhang tinitilian naman ng fans sa labas, pero ang nakita naming sikat talaga si Katya Santos. Marami pa raw darating pero gabi na kasi, kaya umuwi na rin kami.
At least may bago na namang mapapasyalan.