Monday , December 23 2024
Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABIL
ni John Fontanilla

ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak.

“Hindi lang ako open to saying it kasi ayoko lang iyabang. Pero kasi one year and a half no alcohol. Hindi ako umiinom. No more na. Ayoko lang s’ya ipagmalaki o iyabang,” anang aktor.

At ang mahusay na aktor na si Baron Geisler ang naging motivation nito. “Kasi kami ni Baron parehas kaming marami nang napagdaanan…Parehas kaming nagaa-agree, parehas kami sa buhay namin, gusto namin ibahin ’yong diskarte. 

“Kaya rin kami nagiging close ni Baron ngayon. Parehas namin ini-enable ang isa’t isa na ‘Kaya natin ’to. Kaya natin ’to. We are better than we were before.'” 

Samantala talk of the town naman ang pelikula nila nina Sean De Guzman, Dimples Romana, at Tiffany Greydahil na rin sa mga pasabog na eksena nina Jake at Sean isa na dito ang kissing scene nila na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens. 

Ayon kay Jake, “Iba-iba ang opinyon but one thing for sure and iyon naman po ang gusto namin mag-invite ng conversation at masakit po ‘yun kung hindi pinag-uusapan ang pelikula.”

Hatid ng 3:16 Media Network ni Ms Len Carillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, isinulat ni Quinn Carillo, at idinirehe ni Joel Lamangan, ang My Father, Myself ay mapapanood sa Dec. 25 bilang entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …