Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Jake Cuenca

Sean De Guzman saludo kay Jake Cuenca 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI itinanggi ni Sean de Guzman na looking forward siya sa Parade of Stars sa Metro Manila Film Festival 2022 dahil first time niyang magkaroon ng entry, ang My Father, Myself.

Kasama ni Sean sa pelikula sina Jake Cuenca at Dimples Romana.

Ani Sean saludo siya kina Jake at Dimples na first time niyang nakatrabaho, dahil napaka-professional ng mga ito  bukod pa sa napakahuhusay umarte at makisama.

Very thankful naman ito kay direk Joel na rito siya nagsimula sa pelikulang Lockdown na nasundan ng Anak ng Macho Dancer. Si direk Joeldin ang nakapagbigay sa kanya ng dalawang international awards.

Bukod kina Jake at Dimples, kasama rin sa My Father, Myself sina Tiffany Grey, Allan Paule, Jim Pebanco, Ac Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose.

Produced ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network kasama sina Erwin Ortanez, Jumerlito Corpus and Nicanor Abad. Mapapanood ang My Father, Myself sa Dec. 25, bilang entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Ito ay isinulat ni Quinn Carrillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …