Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Sean de Guzman bonus sakaling manalong Best Actor sa MMFF 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI umaasang mananalo ng acting award si Sean De Guzman sa husay na ipinakita nito sa pelikulang My Father, Myself ng 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment naentry sa 2022 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Joel Lamangan.

Ayon kay Sean, “Hindi naman, bonus na lang ‘yun. Noong ginawa naman namin ‘yung film na ito wala kaming specific kung saan ipalalabas ito or saan iri-release. So kung magkakaroon ako ng award why not! At magpapasalamat ako siyempre for that recognition dahil may naka-appreciate sa akin.”

Say ni Sean sa mga taong bumabatikos at namba-bash sa kanilang pelikula, “Actually tama naman ‘yung sinabi ni direk (Joel), pero marami kasing ipokritong mga tao, hindi kasi sila komportable sa ganoong tema ng istorya ng pelikula, so ang ginagawa nila bina-bash nila kahit ‘di pa naman nila napapanood.

“So better na panoorin nila ‘yung pelikula kasi may mga ganito talagang nangyayari, and base ito sa true story, so totoo na may mga ganitong nangyayari sa isang family.”

At dahil R-18 ang kanilang pelikula ay kailangang respetuhin kung ano man ang naging desisyon ng MMFF, MTRCB, at SM.

I think we should respect ‘yung mga decision ng panel ng MTRCB and ng MMFF, of course hindi naman natin ipu-push o?Ipipilit ang mga bagay na hindi puwede kasi ‘yun ‘yung standard nila, ayon ‘yung kumbaga policy nila, at least may paninindigan ‘yung MMFF at SM.”

At sa lahat ng ginagawa niyang proyekto ay lagi siyang may natututunan at ibinibigay ang kanyang best.

Lahat ng mga ginagawa ko, lahat naman ng bago sa akin, hindi ko hinahayaan na wala akong natututunan, it’s all about grow and grow and grow pa.

“So just keep on doing ‘yung mga bagay na makakapag-develop ng talent and skills mo,” sambit pa ng mahusay na aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …