MATABIL
ni John Fontanilla
Ang actor at director na si Ricky Rivero at K & Co. Events ang naging inspirasyon ng 14 Plus Size Girls na rarampa sa Philippine Plus Size Fashion Stream…… A Fine Night Christmas sa December 28, 2022 sa Okada Manila.
Malaki ang pasasalamat nila sa K & Co. Events dahil binigyan silang matataba ng venue para ipakita ang kanilang talent sa modelling at mas ma-develop pa ang kanilang self confidence gayundin kay direk Ricky na binigyan sila ng advice at training para mailabas pa nila ang ibang itinatagong talento.
Ang 14 Plus Size Models ay binubuo nina Christine Cruz, Shyramae Cortal, Mutya Lopez, Elezze Geoca, Leigh Cinco, Hazel Conde, May Cruz, Lee Paguta, Swen Koffa, Mariam Fouad Khalil, Denice Elizalde, Ria Abril, Arabella David, at Rocy Arcon Cajandab na pare-pareng dumaan sa pambu-bully at diskriminasyon.
Sa kalagitnaan ng presscon ay hindi naiwasang maiyak ng iba dahil simula pa lang pagkabata ay nakaranas na sila ng pambu-bully at diskriminasyon. Mabuti na lang at may mga production na katulad ng K & Co events na nagbibigay ng oportunidad sa katulad nilang Plus Size Girls na maging professional models.
Ang Philippine Plus Size Fashion Stream…….A Fine Night Christmas Runway ay hatid ng K & Co Events sa pangunguna nina (Marketing Head) Ms.Koko Lagunzad at (Head Organizer) Josefine Diolata at sa direksiyon ni Ricky. (John Fontanilla)