Sunday , December 22 2024
Vhong Navarro taguig city jail

Vhong nailipat na ng city jail

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI na pumalag ang legal team ni Vhong Navarro nang ilipat ang komedyante sa Camp Bagong Diwa noong Lunes ng hapon, 3:00 p.m.. Simple lang ang paglilipat, isinakay siya sa isang NBI vehicle, kasama ang isang back up, naka-hoodie si Vhong, may face mask, nakababa ang cap kaya hindi mo na halos makita ang kanyang

mukha. May takip din ang mga kamay, na karaniwan namang ginagawa para hindi naman lantarang nakaposas siya. Hindi naman puwedeng hindi dahil SOP iyon.

 Noong una, mahigpit ang pagtutol ni Vhong na ilipat siya sa city jail. Walang dudang kumilos din naman ang kanyang legal team para magawan iyon nang paraan dahil kung hindi, hindi naman siya dapat na tumagal ng dalawang buwan sa NBI. Pero matapos ang lahat ng mga legal na pagtutol, tanggap na rin nilang lahat na tama ang desisyon ng korte na ilagay siya sa city jail.

Nakabukod muna siya ngayon sa reception and quarantine cell, na karaniwan namang ginagawa bago ang isang detainee ay ilipat kasama ng ibang mga preso sa selda.

Ang tanong ngayon, gaano kabilis kaya ang magiging pagdinig ng korte sa kasong iyan. Ang magiging taktika ngayon dapat ng legal team ni Vhong ay mapabilis ang trial para hindi siya magtagal sa kulungan kung sakali. Ang kampo naman ng complainant na si Deniece Cornejo, hindi magmamadali iyan dahil habang tumatagal ang mga pagdinig sa kaso, mananatiling nakakulong sa city jail si Vhong dahil wala ngang bail sa kaso niya.

Kung ang pagdinig sa kasong iyan ay magtatagal at aabutin ng taon kagaya ng maraming kaso, apektado na ang career ni Vhong. Kung hindi siya katigan ng korte, maaari pa siyang mag-appeal sa mas mataas na hukuman gaya ng Court of Appeals, hanggang sa Supreme Court. Baka naman sa mataas na hukuman, payagan na siyang makapagpiyansa. Pero sa ngayon mananatili siya sa hoyo hanggang hindi tapos ang pagdinig ng RTC.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …