Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catriona Gray Anne Jakrajutatip

Catriona at Anne Jakrajutatip nagharap

HATAWAN
ni Ed de Leon

UMUGONG ang malakas na bulungan nang unang magka-face to face sina Catriona Gray na Miss Universenoong 2018 at si Anne Jakrajutatip, bagong may-ari ng Miss Universe Organization matapos na iyon ay kanyang bilhin sa Endeavor sa halalagang $14-M. Si Anne ay isang Asian, at kauna-unahang babae, na transgender na nagmamay-ari ng Miss Universe.

NANG mag-face-to-face sila ni Catriona at nag-kiss pa, sigawan ang mga taong nanonood sa Royal Grand Theater sa Bangkok, Thailand. Mga Marites din ang mga nanonood doon dahil alam nilang naging boyfriend dati ni Catriona ang Filipino-German model na si Clint Bondad.

Nang mag-break sila ni Clint, nag-abroad iyon, walang nakaaalam kung saan nagpunta hanggang sa aminin ni Anne na sampung buwan na palang nakatira iyon sa bahay niya sa Thailand. Tinutulungan niya si Clint na makahanap ng trabaho bilang model at product endorser at para raw silang magkapatid. Pero alam naman ninyo ang mga Marites, siyempre iba na ang iniisip.

Wala namang nangyaring masama. Pareho namang educated sina Catriona at Anne. Hindi naman dapat asahan sa kanila ang nangyari sa dalawang starlet na nang magkita sa isang bar ay nagdalehan dahil sa pakikipag-date umano ng isa sa ex boyfriend naman niyong isa.

Maganda naman ang kinalabasan kaya ok lang. Wala na naman si Clint sa buhay nilang dalawa sa ngayon.

***

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …