Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN AMBS 2

ABS-CBN nakakuha ng magandang deal sa AMBS

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPIGIL man ang sinasabing pagsosyo ng ABS-CBN sa TV5, magandang deal naman pala ang nakuha nila sa bagong AMBS. Hindi pala nila ipinagbili ang mga gagawin nilang serye. Hindi rin iyon blocktime arrangement. Bale iyon pala ay isang partnership deal. Sila ang gagawa ng produksiyon lalo nga’t kanila ang mga artista, ilalabas naman iyon ng AMBS sa kanilang free tv channel at share sila sa kita. Malaki ang kaibahan niyan sa blocktime deal. Sa blocktime, binabayaran ng ABS-CBN ang total commercial minutes ng estasyon batay sa oras.

Isa pa, lumalabas na ibinenta nila ang analog transmitter at antenna sa AMBS, kaya ang mga show nila roon ay mapapanood sa lakas na 150kw, pantay na naman sila ng GMA sa NCR. Hindi gaya ng blocktime na mas mababa ang power ng TV5 at ZoeTV.

Matatalo lang sila ng GMA dahil sa mga provincial station na wala pa ang AMBS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …