Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby wise na sa career, sa GMA 7 pa rin

HATAWAN
ni Ed de Leon

PALAGAY namin, talagang wise decision na pumirmang muli si Gabby Concepcion ng kontrata sa GMA 7. Kasi kung iisipin mo naman, simula nang magbalik siya matapos ang 13 taong pananatili sa US, ilan na ang nakialam sa kanyang career na halos wala namang nangyari. Nag-click siya noong lumipat siya sa GMA, eh bakit ka ba naman aalis pa kung sa tingin mo nandoon ang suwerte mo. Aba sunod-sunod na hits siya eh, at kahit na nang itambal sa kanya si Sanya Lopez, na starlet pa lang noong una, naging hit sila.

Tama namang kung saan mo nakita ang suwerte, roon ka na.

ISA pa, kung sakali ba naman anong matibay-tibay na kompanya ang kanyang mapupuntahan? Ang malaki ngayon mukhang lalaban ay iyang AMBS, pero wala  pa ngang pruweba. Iyon namang ABS-CBN na dating kalaban ng GMA, walang prangkisa at mukhang wala pang pag-asang makakuha ng bagong prangkisa sa ngayon. Iyong TV5, nagpa-blocktime ng kanilang primetime sa ABS-CBN. Kaya wala ka nang mapupuntahan talaga kundi GMA.

Kailangan lang naman talaga ay tamang diskarte sa carreer dahil kung hindi at magpapadala ka na lang sa kung ano-anong offer, baka mapahamak ka pa.

Maraming artistang ganyan. Naniwala sa sinasabi ng mga mga chuchuwa na, “kung nandoon ka tiyak mas mataas ang ratings mo, o mas sisikat ka.” Kung pumalpak, puwede ba ninyong sisihin ang mga chuchuwa, ‘di hindi. Sisisihin mo ang sarili mo.

Wise na talaga si Gabby, at least marunong na siyang dumiskarte sa sarili niyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …