Thursday , November 30 2023
Arvin Arceo Kayla Herrera

“Bert Pasay” Dy nanguna sa pool wizards sa Knight Shot 10 Ball Cup 2022

MANILA — Muling itataya ni Roberto Dy, a.k.a. Bert Pasay, ang kanyang reputasyon bilang country’s living legend sa pagrenda sa talented field ng Knight Shot 10 Ball Cup 2022 na iinog sa 15-18 Setyembre 2022, gaganapin sa AMF-Puyat Superbowl Bowling and Billiards Center, 3/F Makati Central Square (dating Makati Cinema Square), Chino Roces Avenue, Makati City.

Kilala sa tawag na “Bert Pasay” sa pool world, muling masisilayan at magtatangka sa panibagong korona sa 10-ball tournament na nakataya ang Championship trophy, One Predator pool cue, at champion’s purse worth P50,000 sa magwawagi.

Si Iris Rañola, isa rin sa pool sharks na aabangan kasama sina Floriza “Phoy” Andal, Coach Lester Raymond Dulawan, Master painter Rafael Popoy Cusi, Father and son Nelson at Mark Salvanera.

Makikipagtagisan ng galing ang mga Wilde Blu kids na sina Kayla Herrera, Sofhiavyanca Rosales, Cheeya Mei Navarro, Nadine Estrada, Bastien Olanda, Darth Bonode, Dexter Barnido, Diego Flores, at Rey Calanao.

Suportado ang torneo ni sportsman/businessman Aristeo “Putch” Puyat na kinikilalang Godfather ng Philippine Billiard at ng Puyat Sports na inorganisa ng Makati Pool Players Association (MAPPA), sa magiting na pamumuno nina president Arvin Arceo, tournament director Patrick Clavel, at world renowned blogger Leslie “Anito Kid” Mapugay.

“Knight Shot is the biggest and most respected name in billiards, hobbies and recreation in the Middle East,” sabi ni MAPPA President Arvin Arceo. (MB)

About Marlon Bernardino

Check Also

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

ISINASABUHAY ng Araneta City ang tradisyon nitong Yuletide sa pagpapailaw ngayong taon ng taunang higanteng …