Wednesday , October 5 2022
CHECKMATE ni Marlon Bernardino

“Kom Noli”

CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino

PORMAL nang itinalaga ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., si Atty. Jose Emmanuel “Noli” Eala bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang appointment letter na isinulat ni Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ay pirmado mismo ni Pres. Marcos Jr.

Mas kilala sa tawag na “Kom Noli” sa sports industry na naging PBA play-by-play commentator simula noong 1992, ang papalit kay dating PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Si Eala ay naging commissioner sa PBA mula noong 2002 hanggang 2007 hanggang naging news anchor.

Makakasama ni “Kom Noli” sa PSC si Bowling Icon PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo at PSC Executive Secretary Atty. Guillermo Iroy, Jr.

Good luck “Kom Noli.”

Nakasalalay sa pamunuan ng Philippine Sports Commission ang magiging tadhana ni World Youngest Fide Master Alekhine Fabiosa Nouri na nakatakdang katawanin ang bansa sa World Juniors Under-20 Chess Championships na gaganapin sa Sardinia, Italy sa 11-23 Oktubre 2022.

Pagkatapos ng Italy World Juniors, si FM Nouri kasama ang kanyang guardian/coach Filipino at United States (US) chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., ay lalahok sa 33ste Open van Leuven mula 10-13 Nobyembre 2022 sa Leuven, Belgium.

Susundan ito sa Grand Memorial Rene Vannerom sa 2-3 Disyembre 2022 sa Brussels, Belgium, ang IX Sunway Sitges International Chess Festival sa 11-12 Disyembre sa Sitges, Barcelona, Spain, at ang Basel Christmas Chess Festival sa 26-30 Disyembre sa Basel, Switzerland.

Umaasa sina FM Nouri at guardian/coach NM Bernardino na maaprobahan ng pamunuan ng Philippine Sports Commission ang request ng National Chess Federation of the Philippines na financial assistance.

Nakatutok si FM Nouri sa pinakamimithing Grandmaster title na suportado nina NCFP Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr., NCFP Vice President Sen. Manny Pacquiao, NCFP official Rep. Neri Javier Colmenares, at POC President Tagaytay City mayor Abraham “Bambol” Tolentino, Jr.

Huling nakapag-produce ang Filipinas ng Grandmaster sa katauhan ni US based Cebuano Enrico “Ikong” Sevillano noong 2012.

*****

Nakikiramay po ang inyong lingkod sa mga naulila ni Deaf Mute Liolen Tubianosa na tubong Legaspi City, Albay. Mas kilala sa tawag na “Pipes,” isa sa magaling na non-master chess player ng bansa at pambato ng Tulay Chess Club sa Cubao, Quezon City ng dekada 90.

About Marlon Bernardino

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …