Monday , December 23 2024

Prangkisa ‘di muna prioridad
ABS-CBN ABALA SA PAGGAWA NG CONTENT

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT may isa na namang congressman na nag-file ng bill para bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, bukod sa panukala nga ng Makabayan bloc, tila mas tama ang diskarte ng ABS-CBN na huwag munang mag-isip ng prangkisa sa ngayon at pagbutihin na lamang ang kanilang pagiging content producer. Nakita naman ninyo maging ang pakikipagsosyo nila sa TV5 hinahabol pa ng NTC.

Bagama’t si Presidente BBM ay nagsabi na sa kabila ng paninira na dinanas ng kanyang pamilya mula sa ABS-CBN, wala siyang objections kung iyon man ay bigyan ng panibagong prangkisa, ang laban nila ay nasa kongreso naman, at kung ang sinasabi nila ay ipinasara sila talaga ng dating Presidente Rodrigo Duterte, mayorya pa rin ang mga kabig niyon sa kongreso. At sa 2028, nakaamba na naman sa presidency ang isa pang Duterte.

Tama na ngang maging content producer muna sila sa ngayon. At least may cable na ngayon, may internet pa. Nakakapag-block time pa sila sa ibang estasyon. Hindi gaya noong una silang masara na burado talaga sila.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …