HATAWAN
ni Ed de Leon
Alam ninyo, ang paniwala namin, hindi lamang mahusay na car racer iyang si Matteo Guidicelli kundi isang mahusay na actor. Aba eh noon eh napapanood namin siya sa isang serye sa telebisyon, at sa tingin namin mas mahusay siya kaysa tunay na bida sa seryeng si Enrique Gil. Action series kasi iyon, at lumalabas ang kanyang pagiging atleta.
Lumamig ang career ni Matteo matapos ang kontrobersiyal na kasal nila ni Sarah Geronimo. Una siguro nabawasan ang ilusyon ng fans sa kanya dahil may asawa na siya. Ikalawa, ang hindi magandang usapan at mga alitan pagkatapos ng kasal na iyon, nakaapekto sa kanya. Nasundan pa ng pandemic, hindi kumilos ang kanyang career.
Ngayon lumipat siya ng network, at magiging isa sa napakaraming co-host ng isang morning show. Ang makakasagupa niya roon ay puro beterano. Samantala si Sarah ay sinalubong na parang big star talaga sa ABS-CBN. Ano na ang kalalabasan ni Matteo?
Sayang magaling na artista pa naman.