IGINIIT ng Malacañang na paglabag sa soberanya ng Filipinas kapag bumalik ang bansa bilang signatory sa Rome Statute, ang lumikha sa International Criminal Court (ICC).
“Ang hindi natin pagbabalik sa ICC ay isyu ng soberanya,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing kahapon sa Palasyo.
Ang pahayag ay ginawa ni Angeles, kasunod ng sinabi ni Kristina Conti, abogado ng Rise Up for Life and for Rights, isang volunteer group na nagbibigay ng legal assistance sa mga survivor at mga pamilya ng Duterte drug war victims, na isang “terrible mistake” ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na huwag nang bumalik sa ICC ang Filipinas.
Nagbabala si Conti na ang naturang desisyon ni FM Jr., ay magdaragdag ng political pressure sa bansa na nahaharap sa matinding krisis pang-ekonomiya at kalbaryong panlipunan.
Kailangan paghandaan aniya ni FM Jr., ang isang “political storm with international impact” kapag tumangging makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Ipinaliwanag ni Angeles, iniimbestigahan ng mga hukuman sa Filipinas ang mga kaso ng mga namatay dahil sa Duterte drug war kaya’t hindi na kailangan sagutin ang ICC o bumalik sa Rome Statute ang Filipinas.
“So, naiintindihan natin na ang mga biktima ay may hinaing ngunit bukas po ang ating mga hukuman at ang proseso ng hustisya para sa kanilang hinaing,” sabi ni Angeles.
Matatandaang sinabi ni dating ICC Judge Raul Pangalangan, may hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap habang ang Filipinas ay kasapi pa ng Rome Statute.
“Investigations can be done via online video mechanisms,” sabi niya.
Puwede aniyang kilalanin ng ICC ang mga pahayag ng mga testigo para maging bahagi ng record upang maitaguyod ang sapat na batayan para maghain ng mga kaso laban sa mga akusado.
“The case and the investigation can move forward without the cooperation of the state. Because the only issue is whether there is enough evidence to support an indictment,” sabi ni Pangalangan.
“If that evidence is secured locally by witnesses who stepped forward within the Philippines and that evidence is sent on to The Hague, it will be available to support an indictment.”
Nauna rito’y inihayag ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Karen Dumpit na makikipagtulungan ang komisyon sa imbestigasyon ng ICC kahit ayaw ng gobyerno ng Filipinas.
Sakaling magkaroon ng indictment o pormal na hatol ang Pre-Trial Chamber, puwede nang umusad sa trial stage ang kaso.
“The case and the investigation can move forward without the cooperation of the state. Because the only issue is whether there is enough evidence to support an indictment,” sabi ni Pangalangan.
“If that evidence is secured locally by witnesses who stepped forward within the Philippines and that evidence is sent on to The Hague, it will be available to support an indictment.” (ROSE NOVENARIO)