Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo ASAP

Sarah ‘di nakatulong para pataubin ang All Out Sundays

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAGUGULAT naman ang statement na iyon, pagkatapos ng lahat ng tsismis at paduda, wala naman palang offer ang GMA 7 kay Sarah Geronimo. Ngayon siguro inaamin na nila iyan dahil nang magbalik naman si Sarah sa ABS-CBN, lumobo lang ang budget ng kanilang show dahil sa laki ng talent fee niyon, medyo umakyat din ang ratings nila pero hindi pa rin umabot sa All Out Sundays ang rating niyon. Kasi nga kahit na sabihin mong combined ratings na iyon, mahina naman ang power ng ginagamit nilang free tv, at hindi nangangahulugan na porke dalawang channel iyon dodoble ang manonood. Mahahati lang sa dalawa ang audience ng kanilang show. Ang naging advantage nila noong makuha rin nila ang TV 5 ay ang katotohanang mas marami iyong provincial stations kaysa Zoe TV na iisa lang ang estasyon, sa Palawan pa.

Paano mo nga ba tatapatan ang GMA na 150kw ang power at may halos 50 provincial stations at affiliates pa? Noong araw na ABS-CBN sila, na ganoon kalakas ang power ng free tv nila, at ganoon din karami ang provincial relays, tinatalo nila ang GMA, pero hanggang hindi nila naibabalik iyon, na halos imposible dahil lilipat na nga ang ating broadcasts sa digital, mahihirapan sila.

Ang logic, bakit mo nga naman kukunin si Sarah na napakalaki ng talent fee at baka pagsimulan pa ng discontent ng mga dati nilang stars, ganoong wala rin namang maibabatak na matindi iyon magbalik man sa kalaban na off the air naman ang transmitter?

Mukhang tama ang katuwiran nila. Bakit ka nga ba maghahabol pa ng malaking stars yeh kung malakas naman ang transmission power mo at hindi matatapatan ng kalaban. Baka sakali na ganyan din kalakas ang power ng AMBS, mag-blocktime na rin doon ang ABS-CBN bukod pa sa TV 5 at Zoe Tv, baka sakali pa. Kaso wala ring provincial stations pa ang AMBS. Iyon ngang main channel naurong pa ang pagbubukas eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …