Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Rissa Baluyot, 55 years old, naninirahan sa Sto. Tomas, Batangas. Mayroon po akong maliit na patahian, at may dalawang mananahi.
Nitong nakaraang linggo po, nadale kami ng trangkaso. Grabe po, lagnat, sipon at ubo. Ang suspetsa namin ay ang labis na init sa umaga at pagkahapon ay uulan nang malakas. Buti na lang at may panlasa at pang-amoy kami kaya hindi po kami kinabahan.
Gaya po nang dati, ang aming lunas ay haplas ng Krystall Herbal Oil sa buong katawan hanggang pawisan. Pagkatapos ay uminom ng Krystall Nature Herbs at ipagpatuloy ang Krystall Vit. B1 B6.
Minsan pa naming napatunayan na ang KRYSTALL essentials ay talagang maaasahan.
Bukod po riyan, patuloy din po kaming nagsusuob bago matulog sa gabi.
Malaking ginhawa po talaga ang agad naming naramdaman kaya wala pang isang linggo bumalik na sa normal ang kondisyon ng aming katawan.
Maraming salamat po Sis Fely sa inyong napakahusay na imbensiyon. Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng mahabang buhay para makatulong sa ating mga kababayan.
Ang inyong suki,
RISSA BALUYOT
Sto. Tomas, Batangas